Nagliliwanag
Sa isang kainan, tanging ang maliit na kandila sa gitna ng bawat lamesa lamang ang nagbibigay ng liwanag. Mayroon namang iba na ginamit ang ilaw mula sa kanilang cellphone para makita nang husto ang kanilang mga kasama at kinakain. Hanggang sa may nagsabi sa waiter na buksan ang ilaw. Nang lumiwanag na ang paligid, unti-unting bumalik ang sigla sa lugar…
Isa Pang Pagkakataon
Nagtayo si Ernie Clark ng pagawaan ng bisikleta na malapit sa aming bahay. Inaayos niya at ng kanyang mga kasama ang mga lumang bisikleta at ipinamimigay nila ito sa mga batang pulubi. Binibigyan din nila ang mga walang tirahan, mga may kapansanan at pati mga beterano ng digmaan. Hindi lamang nagkakaroon ng bagong silbi ang mga ginawang bisikleta, nagkakaroon din ng…
Nagtataglay ng Kayamanan
May isang simpleng bahay na makikita sa kalye ng Bogota, Colombia. Walang anumang espesyal sa hitsura ng bahay na ito kaya hindi mo aakalain na naglalaman ito ng halos 25,000 na mga libro. Kinolekta ni Jose Alberto Gutierrez ang mga itinapong libro para mabasa ng mga batang mahihirap sa kanilang lugar.
Kapag walang pasok, pumupunta ang mga bata sa bahay na…
Tumubo at Magbunga
Madaling tumubo sa halos lahat na bahagi ng mundo ang sunflower. Lumalaki ang mga ito sa tabingdaan, malapit sa palayan, sa parang, at sa mga halamanan. Pero kahit madali itong tumubo, nangangailangan ito ng matabang lupa. Ayon sa Farmer’s Almanac, kailangan ng sunflower ng mataba at masaganang lupa para magbunga ang mga ito ng maraming buto at maka-kuha mula rito ng…
Huwag Mainggit
Sikat ang pintor na si Edgar Degas sa mga ipininta niyang larawan ng mga ballerina. Hindi alam ng marami na minsan siyang nagsabi na naiinggit siya sa kapwa pintor niyang si Edouard Manet. Ayon kay Degas, mas mahusay magpinta sa kanya si Manet dahil laging perpekto ang pagkakapinta nito ng mga larawan.
Isa ang pagkainggit sa hindi magagandang katangian na sinabi…